職を求める外国人の方へのページ タガログ語

植村 貴昭
この内容を書いた専門家
元審査官・弁理士
行政書士(取次資格有)
登録支援機関代表
有料職業紹介許可有

Para sa Mga Dayuhan na Naghahanap ng Trabaho

Salamat po sa pagbisita ng aming Web Page.

Ang mga sumusunod na payo ay nakadepende sa Classification ng inyong Residence Card.

A Designated Activities VISA
(dating kilala bilang Engineer/Specialist in Humanities/International Services VISA)

Ang isang foreign national na may hawak ng ganitong uri ng visa ay possibleng nawalan ng trabaho dahil sa epekto ng Pandemia ng Corona virus at nahihirapan kumuha ng trabaho bago ma expire ang kanyang visa.

Ang validity ng Designated Activities VISA ay anim na buwan, at sa ngayon hindi alam kung maaari itong mabago.

Gayunpaman, ang pagkabigo na mag-apply para sa ibang visa bukod sa Designated Activities VISA sa loob ng anim na buwan ay nangangahulugang hindi ka nakakahanap ng bagong trabaho…

Kaya dahil sa impormasyong ito, malaki ang posibilidad para sa Immigration office na isaalang-alang ka bilang isang banyaga na hindi kailangang manatili sa Japan.

Dahil sa kadahilanang ito, maari gumawa ng mga possibleng paraan na mabago ang Visa maliban sa Designated Activities VISA sa lalong madaling panahon.

Espesipikong detalye.

1. Maghanap ng mapagtatrabahuhan (white collar job) na maaring maibalik ang iyong Original Engineer / Specialist in Humanities / International Services Visa.

2. Kung mahirap kumuha ng white collar job, maaari kang pumasok sa isang trainning para sa Engineer/Specialist in Humanities/International Services VISA. Ito ay makakatulong sayo na mapanatili ang iyong status ng residence.

3. Kung mahirap gawin ang 1 o 2, Maari kang mag enroll sa isang Japanese language school, habang naghahanap ng white collar job. Ang layunin nito ay para magkaroon muli ng Engineer/Specialist in Humanities/International Services VISA.Makabubuti na nagagamit ang panahon sa pag aaral habang naghahanap ng trabaho.

Ito ang ilan sa aming payo.

Kasalukuyan kaming naghahanda para sa job opening para sa Engineer / Espesyalista sa Humanities / International Service. Mangyaring maghintay.

Kung pipiliin mo ang 2, makakatulong kami sa iyo na makahanap ng isang lugar upang magtrabaho pagkatapos mong maipasa ang iyong specific skill qualification test.

Mangyaring banggitin ang “A-2” kapag nakikipag-ugnayan ka sa amin.

Mangyaring ibigay ang kinakailangang impormasyon tulad ng sumusunod.
(Hindi namin magagawang tumugon sa mga katanungan na walang kalakip na impormasyon at files.)

・”A-2″ notasyon
・Larawan ng harap at likod ng Residence Card.
・Larawan ng certificate para sa pagpasa “Grado 3 Trade Skill Test l” o “Level 3 Skilled Worker Proficiency Test”

Ang impormasyon sa Specific skills ay naka sumaryo na sa Bagong Specific Skills Testing information.

Kung pipiliin mo ang 3, maaari naming ipakilala sa iyo ang mga paaralan ng para sa wikang Hapon.
Gayunpaman, ikaw ang magbabayad sa mga gastusin.

Hal. Matrikula at ibpa.

Mangyaring ibigay ang kinakailangang impormasyon tulad ng sumusunod.
(Hindi namin magagawang tumugon sa mga katanungan kung walang impormasyon at mga kalakip na file.)

・”A-3″ notasyon
・Larawan sa harap at likod ng Residence Card
・Gusto mong lokasyon para makahanap ng paaralan ng wikang Hapon (Tokyo, Osaka, atbp.)

B Designated Activities VISA
(Dating kilala bilang Technical Intern Training)

1. Kung ito ang visa mo, maaari kaming makatulong sa paghahanap ng trabahotrabaho sa iyo.
Gayunpaman, 2 taon at 10 buwan o higit pa na aktibidad bilang isang Technical intern ,at dapat naipapasa ang “Grade 3 Trade Skills Test “ o “Level 3 Skilled Worker Proficiency Test “na kinuha sa ika tatlong taon. Ito ay kasama sa mga requirement.

Kung ang mga impormasyon sa itaas ay angkop sayo, mangyaring isulat ang “B-1”, kumuha ng larawan ng iyong Residence Card, mula sa oras ng Training sa teknikal na intern, at makipag-ugnayan sa aming tanggapan.

Mangyaring ibigay ang kinakailangang impormasyon tulad ng sumusunod.
(Hindi namin magagawang tumugon sa mga katanungan na walang kalakip na impormasyon at file.)

・”B-1″ Notasyon
・Larawan sa harap at likod ng Residence Card
・Larawan ng Certificate na pumasa sa “Grade 3 Trade Skills Test” o “Level 3 Skilled Worker Proficiency Test”.

2.Kung hindi mo natutugunan ang alinman sa mga requirements sa itaas, maaaring mahirap i-renew ang iyong Residency. Mangyaring isaalang-alang ang pagkuha Specific Skill o mag enroll sa isang Japanese language school.

Kung interesado kang kumuha ng test para sa Specific Skill maaari kang makipag-ugnay sa amin.At pagkatapos makapasa maaari ka naming ipakilala sa kumpanya na pwede makapag trabaho.

Kung nais mo, maaari ka naming ipakilala ang isang paaralang wikang Hapon. Sa kasong ito, mangyaring sabihin sa amin ang “B-2”.

Mangyaring ibigay ang kinakailangang impormasyon tulad ng sumusunod.
(Hindi namin magagawang tumugon sa mga katanungan na walang impormasyon at mga kalakip na file.)

・”B-2″ Notasyon
・Larawan ng harap at likod ng Residence Card.
・Gustong lokasyon ng Japanese Language School( Tokyo, Osaka, etc.)

C Designated Activities VISA
(Nabago mula sa Specific Skilled worker)

Ang taong ito ay maaaring makahanap ng trabaho kaagad.
Mangyaring kumuha ng larawan ng iyong Residence Card ng panahon na ikaw ay Specified Skilled worker at isulat ang “C” dito, at makipag-ugnay sa aming tanggapan.

Mangyaring ibigay ang kinakailangang impormasyon tulad ng sumusunod.
(Hindi namin magagawang tumugon sa mga katanungan na walang kalakip na impormasyon at file.)

・“C” Notasyon
・Larawan ng harap at likod ng Residence Card
・Larawan ng Certificate na katunayan pumasa sa “Grade 3 Trade Skills Test” o “Level 3 Skilled Worker Proficiency Test”

D Specified Skilled Worker Visa Holder

Posibleng natigil ang iyong pagtrabaho at dahil diyan maaari ka naming matulungan na makahanap kaagad ng bagong trabaho.

Mangyaring kumuha ng larawan ng iyong kasalukuyang visa, isulat dito ang “D” at makipag-ugnayan sa aming tanggapan.

Mangyaring ibigay ang kinakailangang impormasyon tulad ng sumusunod.
(Hindi namin magagawang tumugon sa mga katanungan na walang kalakip na impormasyon at file.)

・“D” Notasyon
・Larawan sa harap at likod ng Residence Card

E Student Visa Holder

Mayroong maraming mga pagpipilian.

1.Kung makakahanap ka ng posisyon sa isang white collar job, maaari kang magkaroon ng pagkakataong mag-apply para sa Engineer/Specialist in Humanities/International Services Visa.
Malugod ka naming tatanggapin at tutulungan maisa ayos ang iyong visa , kaya mangyaring kumuha ng larawan ng iyong Residence Card .Pakisuyong isulat ang “E-1” sa iyong mensahe.

Mangyaring ibigay ang kinakailangang impormasyon tulad ng sumusunod.
(Hindi namin magagawang tumugon sa mga katanungan na walang kalakip na impormasyon at mga file.)

・“E-1” Notasyon
・Larawan sa harap at likod ng Residence Card.

2.Kung hindi ka matagumpay na makahanap ng trabaho,maari mong maging option na maging Specified skilled worker sa kasalukuyan.
Posibleng mapanatili nito ang kasalukuyang kalagayan sa panahon ng corona pandemic at kapag naging maayos ang sitwasyon, maaaring posible na mag-apply para sa Engineer/Specialist in Humanities/International Services Visa.

Ang impormasyon sa Specific Skill Testing ay naka sumaryo sa Impormasyon sa New Specific Skills Testing Information.

3.Possible na magpalit ng Specified Skilled worker visa kung kukuha ka ng examination para sa Specific Skills habang nasa panahon ng pag aaral.

F  Refugee Visa

Ang mga visa ng Refugee ay partikular na mahirap makuha ngayon.
Halimbawa, sa kaso ng Myanmar, dati ay may posibilidad para mag-aplay bilang isang refugee, ngunit sa kasalukuyan, maliban kung ikaw ay isang Rohingya, mahirap na mag-renew sa hinaharap bilang isang refugee.

Maaari mong isaalang-alang ang pagpapalit sa ibang visa.

Ang pag-uuri ay pareho sa kaso A.

Halimbawa, mangyaring banggitin ang “F-A-2” at makipag-ugnayan sa amin.

Mangyaring ibigay ang kinakailangang impormasyon tulad ng sumusunod.
(Hindi namin magagawang tumugon sa mga katanungan na walang paglalarawan at kalakip na impormasyon at file.)

・ “F-A-?” Notasyon
・Larawan ng harap at likod ng Residence Card.

G Iba pang mga Visa

Kapareho rin ng A

Mangyaring punan ang kinakailangang impormasyon tulad ng nasa ibaba
(Hindi kami maaaring tumugon sa mga katanungan nang walang paglalarawan kalakip na impormasyon at file.

・“G-A-?” Notasyon
・Mga larawan ng harap at likod ng Residence Card.

H  Walang Hawak na Visa

Maaring nasa sariling bansa sa kasalukyan at nagsisimulang maghanap ng trabaho sa Japan..

1. Pag-aral sa ibang bansa

Kung nais mong mag-aral sa ibang bansa, maaari naming ipakilala sa iyo ang isang lugar para makapag aral dito sa Japan.

2. Engineer/Specialist in Humanities/International Services

Kung ikaw ay nagtapos sa isang unibersidad, maaari kang magkaroon ng isang Engineer/Specialist in Humanities/International Services na Visa.
Sa kasalukuyan wala kaming availbe na trabaho para sa ganitong kategorya, kaya kailangan ikaw ang maghanap ng kumpanya para sa trabaho.

At kung matagpuan ang isang trabaho, ang aming tanggapan ay makakatulong sa pag aaply ng iyong Visa.
Hayaan mo kaming makatulong sa iyo.
Kung makakahanap ka ng isang kumpanya,
Mangyaring ilakip ang kinakailangang impormasyon tulad ng ipinakita sa ibaba.
(Hindi kami maaaring tumugon sa mga katanungan nang walang paglalarawan, kalakip na impormasyon at file )

・”H-2″ Notasyon
・Japanese Company Information
・Passport Information

3. Specific Skill

Mayroong pamamaraang tinatawag na Specific Skill bukod sa pag-aaral sa ibang bansa nang hindi nagtatapos sa unibersidad.

Upang magawa ito, kailangan mong kumuha ng Specific Skill Test.

Mayroong dalawang paraan upang kumuha ng examination , ang isa ay ang pumunta sa Japan na may short-term visa at ang isa ay kumuha ng pagsusuri sa lokal na lugar.

Sa kasalukuyan, dahil sa impluwensya ng corona, atbp., Halos walang isinagawa na mga pagsusuri sa lugar.
  

4. Technical Intern Training

Hindi namin sinusuportahan ang Technical Inter Training.
Mangyaring maghanap ng ahensya, etc. sa larangan ito.

なお、特定技能試験情報は、ニュース特定技能試験情報にまとめてあります。
出入国管理庁HP

©行政書士 植村総合事務所 登録支援機関植村総合事務所 代表行政書士 植村貴昭